Sweetness > Anger

Ayos na rin ulit kami . Nagkatampuhan kasi kami kagabi dahil nalaman niya na nag-online na naman ako at hindi man lang ako nagpaalam . So, ayun ! Nagsorry naman ako nung una e kaso medyo nagkaproblema tapos pareho na kaming badtrip . Ako na yung nagtatampo sa huli . Kasi naman inaaway na naman niya ako e . Hindi ko siya tineks maghapon kahit nagtext siya ng mga pagkahaba-habang mga messages na nagsosorry at nanlalambing para magkaayos na kami . Alam kasi niya na masama na kapag nagalit na ako kaya gumagawa agad siya ng paraan para maayos . Hindi ko sana siya itetext ngayong araw na ito pero tinext ko rin siya kinahapunan kasi naman ang sweet ng mga messages niya . Bihira lang siya maging sweet sa text kaya kinikilig ako pag ganun . Mas naging sweet siya nung nalaman niya na masama ang pakiramdam ko . Maalalahanin at maalaga yun kahit di kamai magkasama . Pinapagalitan na naman niya ako dahil di ko raw iniingatan sarili ko pero imbis na malungkot ako kinilig pa ako kasi naman ang sweet niya e . Iba pa rin talaga kapag may isang taong nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo . Yung taong hindi hahayaang nahihirapan at nasasaktan ka at gustong lagi kang masaya . Salamat na lang at ayos na rin kami . 

(Source: mahiwagangutak)