GOOD MORNING. Huhuhuhuhuhubels. Hapon na pala. Kagigising ko lang e. Umuulan kasi kaya ang sarap matulog :P

KAMUSTA NAMAN YUNG MGA COURSES KO NEXT TERM ?????? Puro Math22 ang pre-rec huhuhu. Pano na yan ? E di ang luwag ko next term pag nagkataon. ENV20, HUM15 at NSTP lang ang makukuha ko pag ganun. Huhuhuhu. KAYA DAPAT TALAGA MAIPASA KO ANG PESTENG MATH22 NA TO ! Kaya madaming nadedelay e. Huhuhu
Matatapos na ang tag-init. Ayan na. Tag-ulan na. Huhu. Namimiss ko yung pag umuulan nagtatatakbo kami papuntang dagat tapos magbababad hanggang sa tumila ang ulan. Ang saya maligo sa dagat pag umuulan e. Tapos biglang darating na yung galit-galit na lola namin may hawak na pamalo sabay maghahabulan kami. hahahaha. Ang saya. huhu. Kelan ko kaya mararanasan yun ulit. Nakakamiss ang probinsya -_-
yung sa cwts at rotc ba ? oo :)
The perks of being a student.
BAIT TALAGA NI MAM LAZARO. DI NA KAMI NAUBUSAN NG HOMEWORK SA MYMATHLAB. SUNUD-SUNOD PA ANG DUE DATE. NAKNANG ! -_-
Habang kumakain ako sa canteen. May nakipagchikahan saking ‘parent’ ng incoming frosh. Nakitabi kasi ako e. Natatawa ako sa mga sinasabi niya. Una tinanong niya ako kung ano daw pinakamurang pagkain panglunch kasi kinukwenta na niya yung allowance ng baby girl niya. Tapos tinanong niya ko kung mahirap ba at kung madaming bumabagsak. Syempre sabi ko depende pero madaming hirap sa math. Wala e. Gusto daw mag-ECE ng anak niya sa Mapua e. Tapos napansin daw niya na parang mga seryoso ang mga mapuan, malalalim lagi ang iniisip, yung tipong wala na daw panahon makapag-ayos ng sarili. Medyo offensive yun. Hahaha. Basta nakakatuwa kausap ni nanay. Harhar. Tapos tinanong niya ko kung may bagsak na ko tapos sabi ko may isa na pero di pa naman ako delayed kaya yun humingi ng tips. E sa wala naman akong matinong masabi. Hahaha. Takte. Bawat subo ko bigla na lang siya magsasalita. Na-late tuloy ako sa klase ko nun. hahahahaha
SAYANG. Sayang na naman yung quiz ko sa Chem. Huhuhu. Dapat 100 na ko dun e. Yung mali ko, mali yung label ko ng temperature 1 at 2. Tss. 70 lang tuloy ako. Sabi na nadalian ako sa exam na yun e. Yung takteng katangahan ko lang talaga -_-
May mga pangyayari talagang di inaasahan.
Parang ngayon. Akala ko makakatulog ako ng maaga pero napuyat ako dahil sa Exercise 1 sa Chemlab na puro solving. -_- Haiys. 7:30 pa naman ako bukas.
Ay sorry di ako bumili dati e. Sa ppt lang ako umasa. Anyway goodluck sa exam mamaya :)))))
Uhm, hello. :) Incoming frosh ako sa Mapua. CE. Anong ibig sabihin ng B16? Lower section na ba yun? And, ano pong ginagawa sa medical and psychological exam? Your answers would mean so much.. Thank you. :)
Hello :))) Sure ka na ba ? de joke. Block section ata yan e. Sa first term kasi block block pa per course ganun. Hindi naman lower section yan. Wala lang. Basta section mo siya. hahaha. Echos lang yang medical at psychological exam. Kukuhanan ka ng dugo ihi. mga ganun. hahaha.
Math is my biggest drama
Hahahahahahahaha (drama daw tapos may tawa). Katatapos ko kasing gawin yung reflection ko sa Math22. May ganun ganun palang alam si mam Lazaro. Di ko knowings. As usual, ang drama na naman ng reflection ko basta pagdating sa math. Super honest ko talaga. Sinabi ko dun na ayoko sa math kasi basta kasumpa-sumpa e. Sinabi ko din na nahihirapan ako dun sa integration pero go fighting pa din ako. Tapos sa huli parang nagpapaawa ako kay mam. hahaha. Kasi naman bagsak first quiz ko. Sana naman maawa siya at ipasa niya ako. Nag-aaral naman ako ng mabuti e. Pinagpupuyatan ko nga yung mga assignments niya saq mymathlab e. Ewan ko na lang pag binagsak niya ko. jk
Yung feeling na wala kang pakialam kung malapit na ang June. Di na kasi issue sa iba yung back to school chever na yan. Wala e. Quarterm e.
That unexpected kilig moment
Dahil uminom ako ng kape, hindi na naman ako makatulog -_- Naisipan kong buksan yung fb nung baboy na yun. Yun pa din ang email at password. E di nagbasa ako ng messages. Nabasa ko yung convo nila nung pinsan niya. Kaya pala alam niya na nagsumbong ako dun sa pinsan niyang yun kasi nagkachat pala sila. Haay. Grabe lang. Nalaman tuloy niya yung mga sinumbong ko -_- Nagsumbong pa yung baboy na yun na lagi ko daw siyang inaaway kaya kami nagkakagulo lagi. E malamang kaasar kaya siya. Tapos sinabi pa niyang isip-bata daw ako. Huu wtf, di ko alam kung matutuwa o maiinis ako. Nakakainis lagi na lang niya kong sinasabihan na isip bata lalo na kapag kumakain ako o pag gusto kong kumain. Titig na titig sakin yan pag nakain ako. Yung tipong nang-aasar na titig sabay sasabihan akong isip-batang baboy. tss. Pero nakakatuwa. Di bale nang mataba basta bata ako lagi sa paningin niya. hahahaha. Gago ko. Bat ako kinikilig. Utuuuuuuuuuuuuuuuut kuuuuuuuuuuuuuuuuh!
